MC Einstein, Flow G, Yuri Dope & Jekkpot
Ewan ko kung pano ko bibitbitin Yung pagtingin ko kasi kung hanggang tingin lang ay bitin Ayoko rin naman tong kimkimin kaso mukhang Hindi ko pa rin to sayo kayang banggitin At baka isnabin mo lang at di mo pansinin Bitin kahit na empi at gin ang inumin Yung tapang ay wala pa rin san ko hihiramin Kahit maglasing wala rin kung paggising ko duwag pa rin Pano sasama kung hindi ako nag-aaya Pano tatama kung hindi ako tumataya Minsan iniisip ko na wag na lang kaya Kaso yung isip ko ay nagbabago din maya maya At sobra sa pag-asa kulang sa kumpyansa Kaya mukhang malabong magka tyansa Gusto ko lang naman ay maging popoy mo basha Yan ang matagal ko na pantasya Matagal na kitang sinusundan, tinititigan at hindi maiwasan Na ikaw ay di tingnan sa malayuan at pinag-iisipan ko kung ano ang paraan Para ikaw ay malapitan, kaso malayo ang pagitan Hanggang kailan kaya mag-aabang kung may mapapala Saking ginagawa na pag kung tumaya ay wag mapahiya Di lang ako kumikibo, matagal ng tumitibok Ang puso ko para sayo kaso minsan kumikirot Di ko kasi masabi, di ako umaarte lang Di ko lang alam kung papaano aatake Kasi baka naman ako ay tablahin Kaya tinatak sa isip ko na wag nang tangkain Panaginip lang lahat ng yon ako ay tampalin Para gising na ako tamang panahon aantayin Ko na lamang woh, kasi wala naman masama sa magtyaga Kung para sa akin ka eh di mag aabang ako hanggang sa merong mapala Kaso wala naman magaganap lalo't na pag wala ako ginawa Tsaka baka mamuti lang ang mata pag nag antay ng himala Di naman malabo na mapansin mo ko kapag di ako nagtatago Kailangan ko lamang na maging matapang kung gusto ko na magka tayo Wala naman kasing ibang paraan kung san takot ay magpapatalo Kawawa na ko puro na lang tingin sa malayo kailangan ko yatang magbago kasi.